^

Metro

248 motor vehicles huli sa anti-colorum campaign ng LTO

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umaabot sa 248 motor vehicles ang nahuli ng mga ahente ng Land Transportation Office (LTO) kaugnay ng pina­igting na anti-colorum campaign sa iba’t ibang bahagi ng bansa, ayon sa opisyal nitong Biyernes.

Ayon kay LTO chief, Assistant Secretary Vigor Mendoza II, ang nasabing bilang ng mga behikulo ay nahuli ng kanilang mga tauhan sa loob ng isang buwang operasyon nitong nakalipas na Abril.

Sinabi ni Mendoza na ang pagpapalakas ng agresibong kampanya kontra colorum na mga behikulo ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ni Mendoza na sa kabuuang mga nahuling colorum na behikulo kabilang dito ay 84 na vans na ginagamit sa public transportation sa kabila ng wala itong kaukulang permit mula sa Land Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Samantalang nasa 93 namang motorsiklo ang nahuli sa sari-saring mga paglabag  habang 57 motorsiklo ang na-impound sa mabigat na pagkakasala kabilang ang pagbiyahe na walang permit .

Sa datos ng LTO, ang Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon) ang pinakama­raming naitalang mga paglabag matapos makahuli ng umaabot sa 101 behikulo ang kanilang nahuli.

vuukle comment

LTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN