AGUY
Naluto tayo sa Jones Cup.
Dehins sa game dahil maganda ang record ng team natin na SGA o Strong Group Athletics kundi sa kakaibang format na nilatag ng host na Chinese-Taipei.
Sa new format, seeded ang host team sa semis kaya sibak ang Pinas na nagtala ng 5-1 record sa double-round elims gaya ng Korean team na nag-champion.
Yes, tabla tayo ng Koreans sa 5-1 pero dahil sa quotient, nakuha nila ang top seed sa group. At dahil nga sa format, pumasok ang host team na 1-5 lang ang record sa elims.
Mantakin mo! Pumasok sa semis ang 1-5 record and tanggal ang team natin na 5-1 ang kartada.
Well, kung hindi babaguhin ito, eh baka katapusan na ng Jones Cup na nagsimula nung 1977. Eight times na natin pinanalo ang title dito, mula nung panahon ng NCC nila Allan Caidic, Samboy Lim at sila Jeff Moore at Chip Engelland under coach Ron Jacobs nung 1981.
Nanalo rin tayo dito dala ang San Miguel team, Centennial team (ang orig na Gilas), Mighty Sport at Strong Group na champion sa last two years.
Three-peat sana tayo kung dehins sa kababalaghan.
Nag-sorry ang organizers sa kinalabasan ng new format at inamin nila na tayo ang pinaka-affected nito.
Apology accepted.
Pero baguhin n’yo ‘yang format na ‘yan.
- Latest




















