^

PSN Palaro

Eala pinigilan ni Wei sa semis ng WTA tilt

Pilipino Star Ngayon

AUSTRALIA - Minalas si Pinay tennis sensation Alex Eala na makasampa sa finals ng Workday Canberra International matapos sumuko kay Wei Sijia ng Chi­­na, 5-7, 2-6, sa kanilang semifinals match.

Nakatabla si Eala sa 4-4 sa first set bago nakalayo si Wei para sa kanyang 7-5 panalo.

Sa second set ay hinataw ng Chinese bet ang 5-0 bentahe patungo sa kanyang pagwalis sa Pinay.

Nagtapos ang laro sa loob ng isang oras at 28 minuto.

Ang panalo sana ng 19-anyos na si Eala ang nag­plantsa sa kanilang cham­pionshjip duel ni se­venth seed Aoi Ito ng Japan na sinibak si top seed Nuria Parrizas Diaz ng Spain, 6-2, 6-2, sa isa pang semis game.

Ito ang unang torneo ni Eala ngayong taon.

Nauna nang ginulat ng Pinay netter sina Aus­sies Catherine Aulia, 6-1, 6-2, at Alana Subasic, 5-7, 6-0, 6-1, sa qualifying para ma­ka­pasok sa main draw.

Isinunod ni Eala sina Sin­ja Kraus ng Austria, 6-2, 6-4; Arianne Hortono ng Netherlands, 6-3, 6-3; at local bet Taylah Preston, 4-6, 6-2, 6-1, sa main draw.

ALEX EALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with