^

PSN Opinyon

‘Point of order’ sa mga sesyon dapat laging iobserba

PAPITIK - Ellen Fernando - Pilipino Star Ngayon

Tila nalilihis na ng landas, sa tamang asal at propesyuna­lismo ang ilang lokal na opisyal ng pamahalaan na pinasusuweldo ng taumbayan.

Sabi nga nila, habang tumataas ang kanilang tayog, dun naman tila nalalagyan ng hangin ang kanilang utak o bumbunan.

Kung pagbabasehan kasi ang kumakalat na video sa social media sa naganap na sesyon sa Sangguniang Bayan ng Reina Mercedes sa lalawigan ng Isabela, wala na sa hulog ang umaaktong mga lider ng mga taga Reina Mercedes. Hindi na rin pinakingggan ang sigaw na “point of order”.

Kahiya-hiya at viral ang sesyon na naka-live pa nga sa social media dahil imbes na naging maayos ang takbo ng talakayan at deliberasyon sa paggamit ng P66 milyong pondo ng excise tax, mismong ang presiding officer na si Vice Mayor Harold Respicio ang tila nawala sa tamang kaayusan matapos nitong iduro at akusahan ang mga barangay officials na dumalo sa sesyon na mga “magnanakaw”.

Syempre nag-init din ang tumbong ng ilang “kupitan”, este kapitan, kaya imbes na pakinggan si Vice Mayor at pagpa­sen­syahan na lang, napilitan na rin siyang sagutin at sigawan na dahilan ng matinding tensyon sa loob ng session hall at nauwi sa walkout.

Mukhang “nega” rin sa mga netizens ang kabastusan daw ni Respicio kaya naman agad siyang kinastigo ni DILG Sec. Jonvic Remulla.

Kumalat na tuloy sa Facebook ang iba’t ibang larawan ni Respicio at kaaway na mga kapitan.

Hamon nga ng isang tserman, patunayan ng bise alkalde ang akusasyon nito ng pagnanakaw sa nasabing pondo.

Sabi ni Remulla, hindi magandang ehemplo para sa mga bata ang mga inasal sa sesyon ng Reina Mercedes. Baka isipin kasi ng mga bata lalo na ang mga mag-aaral na normal lang na nangyayari ang sigawan at murahan sa sesyon. Kaya naman mismong si Remulla na ang nagsabi na kanyang sisilipin ang naganap na kaguluhan sa SB session sa Reina Mercedez.

Ang mga taga-Reina Mercedes ay may karapatang malaman ang katotohanan. Kung totoo man ang sinasabi ni Respicio na may ninakaw o ninanakaw na pondo ng bayan, dapat itong maimbestigahan, kung may ”resibo”, kasuhan ang mga sangkot at hindi ito dapat idinaraan sa murahan, takutan at alegasyon lang.

REINA MERCEDES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with