^

Police Metro

Digital valid IDs sa government transactions, isinusulong sa Senado

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isinusulong ni Senador Erwin Tulfo ang ­Senate Bill No. 2590 o ang “­Government-Issued Digital Identification Acceptance Act” na  gawing digital ang mga sistema sa pamahalaan sa pagtanggap ng mga authenticated na digital version ng mga government Identification Card (ID) sa mga transaksyon.

Inaatasan nito ang lahat ng ahensiya ng pambansang pamahalaan, local government units (LGUs), government-owned or controlled corporations (GOCCs), at government financial institutions (GFIs) na tanggapin ang mga authenticated na digital version ng mga valid government-issued ID bilang sapat na katibayan ng pagkakakilanlan.

Ayon kay Tulfo, napapanahon ang panukalang batas bilang tugon sa paulit-ulit na reklamo ng mga Pilipino sa social media na hindi sila nakakakuha ng serbisyo mula sa gobyerno o hindi natatapos ang kanilang mga transaksyon dahil hindi tinatanggap ang kanilang mga digital ID.

Aniya, kailangan na­ting sumabay sa mga makabagong teknolohiya at hindi magpapigil sa mga paraang nakasanayan lang.

Sa ilalim ng panukala, ang mga nabanggit na ahensiya at tanggapan ng gobyerno ay dapat magpatupad ng mga makatwirang proseso para sa authentication at verification ng digital identification.

Sakaling hindi gumana ang electronic verification system na gagamitin, kinakailangang gumamit ng iba pang makatwirang paraan ng beripikasyon.

Nililinaw rin ng panukalang batas na hindi nito nililimitahan ang mga Pilipinong nais pa ring magpakita ng kanilang physical ID card bilang patunay ng kanilang pagkakakilanlan.

Kapag naisabatas, pananagutin ang sinumang opisyal o empleyado ng gobyerno na mapatutu­nayang tumangging kila­lanin ang isang authenticated na digital valid ID nang walang sapat na dahilan.

GOVERNMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with