Cigarette smugglers, isumbong – Malacañang
MANILA, Philippines — Hinimok ng Malacañang ang publiko na isumbong ang mga smuggler ng sigarilyo partikular na ang mga taga Mindanao.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro, na bagama’t mayroon namang mga anti-smuggling operations na ikinakasa ng Bureau of Customs (BOC) katulong ang Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) ay mayroon pa rin mga nakakalusot na milyun-milyong halaga ng mga kontrabando.
Giit ni Castro, malaki ang nawawalang tax sa gobyerno dahil sa kagagawan ng mga smuggler kaya mahalaga ang tulong ng mamamayan para malipol ang mga sangkot sa smuggling ng mga sigarilyo.
Ang pahayag ni Castro ay ginawa sa gitna ng araw-araw na may nasasakote at nahuhuli ang mga otoridad na milyun- milyong halaga ng sigarilyo at iba pang kontrabando sa iba’t ibang lugar sa Mindanao.
Nitong mga nakalipas na araw magkakasunod na nasabat ng mga operatiba ng Philippine Coast Guard (PCG) at iba pang law enforcement agencies sa Mindanao na milyon milyon ang halaga mula sa kanilang anti-smuggling campaign.
- Latest




















