Bantag, nalusutan ang bitag ng pulisya

MANILA, Philippines — Muling nalusutan ni dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Q. Bantag ang bitag ng pulisya nang mabigong maaresto sa operasyon sa isang poultry farm sa Sitio Alupapan, Barangay Pugol, Lamut, Ifugao nitong Linggo ng madaling-araw.
Nabatid nagsanib puwersa ang Ifugao Police Provincial Office (PPO) at 1501st Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 15 sa ilalim ng “OPLAN RANIAG 01/2026” upang isilbi ang warrant of arrest laban kay Bantag.
Dakong alas-5:20 ng madaling-araw nang dumating ang mga operatiba sa Clifford Oliva Poultry Farm at sinimulan ang operasyon ngunit nabigong makita si Bantag, bago tuluyang lisanin ang lugar.
Ayon sa intelligence report, hinihinalang nagtatago si Bantag sa naturang poultry farm at nagpapanggap umanong trabahador.
Si Bantag ay wanted kaugnay ng pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at umano’y pagkakasangkot sa pagkamatay ni New Bilibid Prison inmate Jun Villamor.
Ilang ulit na rin itong natatakasan ang mga otoridad sa patuloy na manhunt laban sa kanya.
- Latest















