^

Police Metro

Kahera, 3 pa inaresto sa pagnanakaw

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng pulisya ang apat katao kabilang ang kahera ng isang kilalang convenience store kaugnay sa pagnanakaw ng mga kahon ng alak at iba’t ibang brands ng mga ream ng sigarilyo gamit ang pekeng resibo sa Brgy. Putatan, Muntinlupa City, noong Martes.

Ang mga suspek ay kinabibilangan ng 37-anyos na kahera, 1 em­pleyado ng convenience store, na sinampahan ng reklamong qualified theft; 24 at 32 anyos na tricycle drivers, at isang 24-anyos na pinagbagsakan ng nakaw na paninda.

Sa ulat, inaresto ng pulisya ang mga suspek sa reklamong idinulog ng may-ari ng grocery ang insidente nang matukoy ang discrepancy at pekeng resibo na inisyu ng kahera.

Sa isinagawang surveillance ng pulisya, nang isasakay na sa tricycle ang mga pinamili ay hinarang na sila at ­inaresto, pati ang kasabwat na cashier.

Umamin umano ang mga driver na nadeliber na ang naunang mga produkto sa Alabang.

Nasa kabuuang 15 kahon ng alak, iba’t ibang ream ng sigarilyo ang narekober na umaabot sa P134,744 at kinum­piska rin ang sangkot na mga sasakyan.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with