Knicks tinakasan ng Celtics

BOSTON - Iniskor ni Jayson Tatum ang 25 sa kanyang 36 points sa second half, kasama ang pito sa huling walong puntos ng Celtics para talunin ang nagdedepensang New York Knicks, 107-103.
Nagdagdag sina Paul George at Neemias Queta ng tig-15 points para sa 1-1 record ng Boston.
Laglag ang New York sa 0-2 marka matapos matalo sa kanilang season opener sa Philadelphia 76ers.
Kumamada si Karl-Anthony Towns ng 22 points at may tig-20 markers sina OG Anunoby at Deuce McBride, habang may 19 points si Jalen Brunson para sa Knicks.
Mula sa isang one-point halftime lead ay inilista ng Celtics ang 91-79 kalamangan sa fourth period bago ito naputol sa 94-91 mula sa putback dunk ni Towns.
Huling nakadikit ang New York sa 98-103 matapos ang dalawang free throws ni Anunoby kasunod ang 19-footer ni Tatum para ilayo ang Boston sa 106-98 sa 1:11 minuto ng laro.
Sa iba pang laro, panalo ang Chicago Bulls sa Milwaukee Bucks, 132-125; dinagit ng Atlanta Hawks ang Charlotte Hornets, 128-81; tinalo ng Dallas Mavericks ang Indiana Pacers, 121-105; wagi ang Minnesota Timberwolves sa Orlando Magic, 115-93; dinaig ng Toronto Raptors ang Washington Wizards, 112-102; at pinalamig ng Detroit Pistons ang Miami Heat, 128-111.
- Latest


















