Drama actor, natangayan din ng pera ng sugarol na manager!
Kumikilos na ang kampo ng isang TV drama actor matapos lustayin ng kanyang manager ang pera nito dahil sa bisyo sa sugal.
Ayon sa mapagkakatiwalaang source, pinaghahanap na ang manager hindi lang ng aktor kundi pati ng iba pang nabiktima nito dahil sa pagkalulong sa pagsusugal. “Wanted na si manager ng kung sinu-sino. May mga demanda na at ipapakulong siya kapag nahanap na ito,” kwento ng source.
Malaking halaga umano ang tinangay ng manager. Bukod sa TV drama actor, may hawak din itong mga modelo at bit players — lahat ng talent fee nila ay siningil at tinakbo nito. Pati bayad sa endorsements ng aktor ay tangay rin. “Kung makulong man ang manager na ito, dapat lang daw dahil sa mga ginawa niyang panloloko sa maraming tao. Kung naging matino lang daw ito kesa sa pansariling kasuwapangan, sana ay maayos pa ang buhay nito at hindi siya nagtatago dahil sa mga kasalanan niya,” dagdag pa ng source.
KC, pinersonal si Dingdong!
Excited si KC Montero dahil sa pagkakasama niya sa Book Two ng The Master Cutter.
Gaganap pa rin bilang kontrabida sa primetime ang dating MTV VJ bilang si Samir, ang mortal na kaaway ni master tracker Atoy na ginagampanan ni Dingdong Dantes.
Aminado si KC na hindi niya inaasahang tatagal siya nang ganito sa serye.
“Never in my wildest dreams did I expect to make it this far in the show. It’s been a complete pleasure to be included in this incredible production. With that said… Atoy @dongdantes I’m coming for you. It’s no longer business. It’s personal. - Samir,” caption niya.
Ibinahagi rin ng 48-year-old actor-host ang karanasan sa muling pagtatrabaho kasama ang matalik na kaibigang si Dingdong, na una niyang nakatrabaho sa GMA variety show na SOP noong 1998 at sa primetime series na Alyas Robin Hood noong 2017.
Glee, bubuhayin
Opisyal nang nag-order ang Disney+ at Hulu ng bagong serye ng Glee, mahigit isang dekada matapos ang original finale nito.
Muling pangungunahan nina Ryan Murphy, Brad Falchuk at Ian Brennan ang revival bilang executive producers.
Ayon kay Murphy, nakausap na niya ang humigit-kumulang 10 original cast members, pero wala pang kumpirmadong babalik. Wala pa ring detalye sa plot, title, o premiere date.
Umere ang original Glee ng anim na season sa Fox mula 2009 hanggang 2015 at naging cultural phenomenon. Sinundan nito ang buhay ng mga estudyante at guro ng Glee club ng William McKinley High School.
Kabilang sa cast sina Lea Michele, Matthew Morrison, Jane Lynch, Amber Riley, Heather Morris, Kevin McHale, Jenna Ushkowitz, Chris Colfer, Darren Criss, Jonathan Groff at Alex Newell. Pumanaw na ang tatlo sa original cast na sina Cory Monteith, Naya Rivera at Mark Salling.
Sa anim na season, nakakuha ang serye ng anim na Emmy Awards at apat na Golden Globes, at naglabas ng mga hit soundtrack, concert tour, libro at reality competition.
- Latest
























