Tamaraws susuwagin ika-5 dikit na panalo

Matapos matisod sa unang laro ngayong season ay kumadena ng apat na sunod na panalo ang FEU upang hawakan ang solo liderato sa team stan­dings

MANILA, Philippines — Isa sa maiinit na koponan sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament ang Far Eastern University, ito’y dahil sa kanilang four-game winning streak.

Matapos matisod sa unang laro ngayong season ay kumadena ng apat na sunod na panalo ang FEU upang hawakan ang solo liderato sa team stan­dings

Kaya naman walang ibang nasa isipan ng FEU kundi ang suwagin ang University of Sto. Tomas ngayong alas-3 ng hapon sa kanilang sagupaan sa Araneta Coliseum.

Nasikwat ng Tamaraws ang pang-apat na sunod na panalo nang pagpagin nila ang Ateneo de Manila University, 93-70 matapos silang akbayan ni Mo Konateh.

Samantala, pakay ng Growling Tigers na kalsuhan ang two-game losing skid upang mapaganda ng bahagya ang kanilang team standings, kasalukuyang hawak nila ang 2-3 record.

Samantala, magtatapat sa alas-5:30 ng hapan ang University of the Philippines at Adamson University.

Show comments