^

Police Metro

Hatol kay VP Sara, posibleng ilabas sa Disyembre 16

Malou Escudero - Pang-masa
Hatol kay VP Sara, posibleng ilabas sa Disyembre 16
Vice President Sara Duterte attends the House Committee on Appropriations' deliberation on the Office of the Vice President's (OVP's) proposed 2026 budget on Tuesday, Sept. 16, 2025.
The Philippine STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Posibleng ilabas sa Disyembre 16,2026 ang hatol ng Senate impeachment court kay Vice President Sara Duterte.

Ayon sa tagapagsalita ng Senado na si Reginald Tongol na kung gugugulin ng depensa ang 30 araw sa pagpi-presenta ng kanilang mga testigo, aabot ang trial hanggang kalagitnaan ng Disyembre.

“Mga ang tinitingnan po namin kung iko-consume nang lahat po ng mga 30 days na hiningi ng depensa o ng respondent yung kanyang lahat ng mga araw na yun, aabot po tayo ng mga around December 16, mga ganun po,” ani Tongol.

“Iyan yung target. Of course, alam naman natin sa targets natin, may reality rin tayo on the ground: Ngayon po,with the way that the impeachment trial is going on, mas malakas po yung confidence ng ating impeachment court na matatapos to bago mag-holiday recess po ang Senado. So by December 16 ay magkakaroon na ng final verdict,” dagdag ni Tongol.

Ayon pa kay Tongol, sa kasalukuyan ay nasa 20 araw nang mas maaga sa iskedyul ang paglilitis sa kabila ng pagkansela ng mga pagdinig noong Miyerkules, Setyembre 30, at Biyernes, Oktubre 2, gayundin ng pinaikling pagdinig noong Oktubre 1.

Sinabi rin nito na kung aalisin ng prosekusyon ang Article 3 na tumatalakay sa mga alegasyon ng bribery o panunuhol, magiging 27 araw na mas maaga sa iskedyul ang paglilitis.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with