^

PSN Palaro

Team Philippines naka-tanso sa Sepak Takraw

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Team Philippines naka-tanso sa Sepak Takraw
Nakuntento ang Philippine men’s sepak takraw regu team sa bronze medal matapos matalo sa Malaysia sa semifinals sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
POC Pool

MANILA, Philippines — Isa pang bronze me­dal ang nakuha ng Team Philippines sa 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.

Ito ay matapos ang 15-10, 11-15, 7-15 kabiguan ng national men’s regu sepak takraw team sa Malaysia sa kanilang duwelo sa semifinal round kahapon sa Nagoya City Mizuho Park Gymnasium.

Hindi umubra ang determinasyon nina Jason Huerte, Jom Lerry Rafael, Reynaldo Asilum Jr., Glindel Phori at Ronsited Gaba­yeron kontra kina Malaysians Aidil Aiman Azwawi, Muhammad Aifuddin Mohd Razali, Muhammad Zulkfifli Abd Razak, Mohamad Azlan Alias at Mohammad Syahir Mohd Rosdi.

Kinuha ng mga Pinoy takraw players ang first set, 15-10, tampok ang paselyo ni Huerte sa kanilang 1-0 bentahe sa laro.

Lumamang ang Natio­nals sa second frame, ngunit isang 11-6 atake ang ini­lunsad ng mga Malaysians bago umiskor ng service ace si Mohd Razali para makatabla sa 15-11.

Itinuloy ng Malaysia ang ratsada sa third set para ilista ang 10-4 bentahe kasunod ang magkasunod na errors ng mga Pinoy na nagbaon sa kanila sa 6-14.

Lalabanan ng mga Malaysians ang Thailand sa finals para sa gold medal.

Sa nakaraang 2022 Asiad sa Hangzhou, China ay nag-uwi ng dalawang bronze medal ang mga Pinoy kick volleyball players.

Samantala, nakatiyak na ng silver ang women’s doubles team nina Jean Marie Sucalit, Abegail Sinog­buhan at Nelly Jay Salon matapos ang 15–12, 15–10 pagwalis sa Laos sa semis papasok sa finals.

Haharapin ng mga Pinay para sa gold ang mga Vietnam, sumibak sa South Korea sa semis, 15-6, 15-13, ngayong alas-8 ng umaga.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with