^

PSN Palaro

Hidilyn No. 1 supporter ng Team Philippines

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Hidilyn No. 1 supporter ng Team Philippines
Hidilyn Diaz
AFP / Vincenzo Pinto

MANILA, Philippines — Malaking tulong ang presensiya ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz sa Asian Games upang makapagbigay ng inspirasyon sa mga Pilipinong atletang sumasabak sa Nagoya, Japan.

Matagal ding nagbigay ng karangalan sa bansa si Diaz sa iba’t ibang tournaments sa Olympics, Asian Games, Southeast Asian Games at iba pang international competitions.

Kaya naman sa pagkakataong ito, ang Tokyo Olympics gold medalist na si Diaz ang numero unong supporter at cheerleader ng Team Philippines sa bawat laban nito sa 2026 Asian Games na ginaganap sa Nagoya, Japan.

Masaya si Diaz na ma­kita ang tagumpay ng mga atleta sa Asian Games partikular na ang pagkopo ni Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo ng unang gintong medalya ng bansa sa Japan.

Binati ni Diaz si Yulo sa tagumpay nito na nagsisilbing inspirasyon ng ibang atletang lumalaban pa sa Asian Games.

“Congratulations kay Caloy for winning the first gold medal dito sa Asian Games,” ani Diaz.

Nasa Asian Games si Diaz bilang bahagi ng weightlifting team at naging parte rin ng Torch Relay ng quadrennial meet bago ang opening ceremony.

Dinadayo ni Diaz ang iba’t ibang events upang suportahan ang mga Pinoy athletes sa mga laban nito.

Nais ni Diaz na maka­­p­ag­­­bigay ng inspirasyon sa mga kapwa atleta nito gaya ng ginawa nito sa mga nakalipas na taon.

Si Diaz lang naman ang nakapagbigay ng kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympic Games noong 2021 sa Tokyo habang gold meda­list din ito sa Asian Games noong 2018 edisyon sa Jakarta, Indonesia.

“Masaya ako na makita ang mga athletes. Galing ako sa volleyball kina Sisi (Rondina) then sa boxing din. Masaya ako na makita na ‘yung mga athletes natin lumalaban talaga ginagawa ang best nila para sa Pilipinas,” ani Diaz.

Nagbigay din ito ng mensahe para sa iba pang atletang nakatakdang lu­maban para sa Pilipinas.                                                                                                                                          

“Para sa mga atleta, nandito tayo para lumaban, dala dala natin ang bandila ng Pilipinas so do your best and alam kong you prepared for this. So do your best and enjoy the moment that you’re here in the Asian Games,” ani Diaz.

HIDILYN DIAZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with