Atasha, pilit hinahanapan ng isyu

Walang mai-bash ang ibang bashers ni Atasha Muhlach, kaya namba-body shame na lang.
Ang pinag-iinitan ay ang pagpayat nito at ang iba, sa abs nakatutok ang hate. Kesyo super payat na raw ni Atasha sa kaka-diet, hindi na raw maganda. Pati nga abs, pinuntirya.
Sa Century Tuna Superbods event, nakita ang abs niya at ang comment agad ng bashers, hindi na magandang tingnan. Buwelta ng supporters ni Atasha, inggit lang ang bashers, lalo na ang malulusog dahil walang tutulong para sila ay pumayat.
Ikinatuwa ni Atasha ang positive review sa pagganap niya bilang si Annie Batungbakal sa nasabing musical. Worth it ang time and effort + determination na gampanang mabuti ang character ng iconic character at “Annie Batungbakal” na ang tawag sa kanya.
After the musical, makikitang overwhelmed ito sa reaction ng audience, napapikit ito habang nasa stage at naiyak. Nang makaharap ang parents, mahigpit na yumakap kina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez-Muhlach.
Ang ibang fans naman, tila nagbago na ang tingin kay Atasha at ang dating namba-bash sa kanya, nagsasabing bigyan siya ng chance to prove herself and she deserves it.
Basta kami, nag-enjoy kay Atasha, sa ibang cast at sa buong musical.
Yasmien, naghihilom sa law school
Naaliw ang netizens na nakabasa sa reaction ni Yasmien Kurdi sa tanong/survey na “Pabor Ka Bang i-ban ang Facebook sa Pilipinas?” at ang reaksyon ni Yasmien na “Nako baka dito pa magka-rally ng malala hahahaha! Mauuna ang mga seniors. Char. Joke lang po.”
Ang ibig sabihin nito, alam niya na mas maraming seniors ang gumagamit ng Facebook, mas kumportable sila rito kesa ibang platforms. Sila nga naman ang mas maaapektuhan kapag na-ban na ito dahil ang middle age at kabataan, puwedeng mag-subscribe sa Instagram, X, TikTok at Threads. Mas maka-FB ang seniors at kapag ipina-ban, paano na lang sila?
Anyway, speaking of Yasmien, itinuturing nito na ‘healing ground’ niya ang Law school. Nagkaroon daw siya ng maraming kaibigan at sobrang nai-enjoy ang pagiging busy bilang Law student.
Challenging at minsan, traumatic experience sa Law school sa maraming tao, pero para sa aktres, healing ground niya ito. Na-share ni Yasmien ang Law school journey niya sa isang post nito sa FB. Nabanggit nito na noong una, nagkaroon siya ng second thought kung itutuloy ba ang pagpasok niya sa Law school? Ito ay noong panahon na hindi pa niya alam kung papasa ba siya sa entrance exam. Kaya laking gulat nito nang pumasa sa entrance exam.
Habang tumatagal daw, na-realize niyang baka callaing niya ang Law school, nag-i-enjoy siya kahit nahihirapan.
- Latest






















