^

Probinsiya

4 estudyante tepok sa leptospirosis sa Bulacan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
4 estudyante tepok sa leptospirosis sa Bulacan
Sa pahayag ng Sta. Maria National High School–Supreme Se­condary Learner Go­vernment, sina John Carl Corpuz, 12; Prince John Fernando, 8; Andrei ­Mariano 12; at Mark Daniel ­Oquelda, 10-taong gulang ay kabilang sa mga mag-aaral na nasawi dahil sa naturang sakit.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nasa apat na estud­yante ng Sta. Maria National High School sa Barangay Bagbaguin, Santa Maria, Bulacan ang nasawi matapos tamaan ng sakit na leptospirosis.

Sa pahayag ng Sta. Maria National High School–Supreme Se­condary Learner Go­vernment, sina John Carl Corpuz, 12; Prince John Fernando, 8; Andrei ­Mariano 12; at Mark Daniel ­Oquelda, 10-taong gulang ay kabilang sa mga mag-aaral na nasawi dahil sa naturang sakit.

Magkakasunod na pumanaw ang mga estudyante mula September 1 hanggang September 15, taong ito, matapos ang mga pagbabaha sa lugar.

Paalala ng mga awto­ridad, iwasang lumusong o lumangoy sa baha lalo na kung may posibilidad na kontaminado ito ng ihi ng mga daga, dahil dito maaaring makuha ang leptospirosis.

Mahalaga rin anila na panatilihing malinis ang paligid, magsuot ng proteksiyon kapag kaila­ngang lumusong sa baha, at agad magpatingin sa doktor kapag makaranas ng lagnat, pananakit ng katawan o iba pang sintomas matapos ma-expose sa baha.

Kung may kakaibang nararamdaman, agad na kumonsulta sa doctor.

CARL

LEPTOSPIROSIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with