^

Metro

Project records makikita ang humawak sa road project – Solon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ni Surigao del Norte 1st District Rep. Francisco “Lalo” Matugas na dapat ipakita ng kumpletong records ng Mahayhay-Tuburan Road project kung sino ang aktuwal na lumahok sa pagpili ng contractor, pagpapatupad ng proyekto, pag-certify ng accomplishment at pagproseso ng bayad.

Ito ang  tugon ni Matugas, kasunod ito ng press briefing ng Office of the Ombudsman nitong Biyernes kaugnay ng preliminary investigation laban sa kanya at sa anak niyang si dating congressman Francisco “Bingo” Matugas II. Kapwa na silang nag­hain ng counter-affidavit sa imbestigasyon.

Batay sa mga dokumentong binanggit sa usapin, Boometrix Deve­lopment Corporation ang contractor ng proyekto, habang sina Ronald Abejo at asawang si Princess Abejo ang principal shareholders nito. Kamag-anak ng pamilya Matugas si Abejo, ngunit sinabi ni Matugas na hindi nangangahulugang sangkot sila sa proyekto.

Ayon kay Matugas, dapat tukuyin sa mga dokumento kung sino ang lumagda sa kontrata, nanga­siwa sa proyekto, nag-certify ng accomplishment at nag-awtorisa ng mga bayad kung may naging iregularidad sa pagpapatupad nito.

Sinabi ni Matugas na iginagalang nila ang prose­so ng Ombudsman at handang isumite ang mga kinakailangang dokumento. Aniya, dapat ibatay sa records at ebidensya ang pagtukoy sa taong responsable sa bawat kinukuwestiyong aksyon

MATUGAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with