^

PSN Palaro

Altas nakatutok sa back-to-back wins

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Altas nakatutok sa back-to-back wins
Lalabanan ng Altas ang Stags ngayong alas-5 ng hapon sa Group B matapos ang upakan ng Mapua Cardinals at Lyceum Pirates sa alas-3 ng hapon sa Group A.
NCAA

MANILA, Philippines —  Ang ikalawang sunod na ratsada ang hangad ng University of Perpetual Help System DALTA sa pagsagupa sa San Sebastian College-Recoletos sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament sa Playtime FilOil Centre sa San Juan City.

Lalabanan ng Altas ang Stags ngayong alas-5 ng hapon sa Group B matapos ang upakan ng Mapua Cardinals at Lyceum Pirates sa alas-3 ng hapon sa Group A.

Sinuwag ng Perpetual Help ang unang panalo matapos talunin ang Emilio Aguinaldo College, 83-72, para makabangon mula sa naunang 77-84 kabiguan sa Letran.

Talo naman ang San Sebastian sa Arellano, 72-98, at sa Letran, 82-99, para sa kanilang 0-2 marka.

Muling aasahan ni coach Olsen Racela sa Altas sina Mark Gojo Cruz, Gelo Gelsano, JD Pagulayan, LA Casinillo, JM Tulabut at Rey Maglupay.

“Daming nawala nga sa amin at hindi namin kayang palitan iyan ng isa lang eh, kailangan talaga namin mag-tulong-tulong,” sabi ni Gojo Cruz.

Itatapat ni mentor Rodney Santos sa Stags sina Matt Acosta, John Ynot, Alwin Alforque, Christian Ricio, Rafael Gabat at Neil Castor.

ATLAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with