^

Punto Mo

Babaing bulag nakakita! (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI MALILIMUTAN ni Dafne Gutierrez, 30, ang pangyayari habang nakatayo sa harap ng pari sa loob ng St. Joseph Maronite Catholic Church sa Phoenix, USA. Nasa simbahan ang relics ni St. Charbel Makhlouf ng panahong iyon. Isa ang simbahan sa 36 Maronite parishes sa US.

Naroon si Dafne at pamilya para makatanggap ng bendisyon at blessing sa pari. Si Dafne ay isang bulag.

Ayon kay Dafne, naramdaman niyang may taong nakatayo sa kanyang kanan. Ganunman sinabi ng pamilya ni Dafne na ang pari na nagbebendisyon ay nasa gawing kaliwa.

“May tao sa gawing kanan ko na humipo sa akin,” sabi ni Dafne sa kanyang sister-in-law.

Subalit sinabi ng kanyang hipag na walang tao sa gawing kanan ni Dafne.

“Meron,” giit ni Dafne.

Nang mga sumunod na araw, nagtaka ang mister ni Dafne sa mga nakikitang pagbabago sa asawa.

“Parang may kakaiba akong naki­kita sa iyo,’’ sabi ng asawa. “Ano ang nangyayari sa iyo?”

“Nararamdaman ko na parang nasu­sunog ang mga mata ko,” sabi ni Dafne.

“Anong nasusunog? ‘Yun ba ‘yung naamoy ko sa kuwarto na parang nasu­sunog na karne?”

“Oo.”

Gulat na gulat ang asawa.

“Anong nangyari?”

“Iminulat ko ang aking mga mata. At nakakita ako ng shadow. At ngayon, nakikita na kita!” (Itutuloy)

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with