^

Probinsiya

Behikulo hulog sa bangin: Driver, 5 pasahero sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Behikulo hulog sa bangin: Driver, 5 pasahero sugatan
Sa ulat ng Ilocos Sur Provincial Police Office (PPO), nangyari ang insidente sa nasabing lugar may dalawang araw na ang nakalilipas.
Graphic by Philstar/John Villamayor

MANILA, Philippines — Limang pasahero at isang driver ang himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang behikulo sa kahabaan ng Cervantes-Quirino Provincial Road sa Brgy. Remedios, Cervantes, Ilocos Sur, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng Ilocos Sur Provincial Police Office (PPO), nangyari ang insidente sa nasabing lugar may dalawang araw na ang nakalilipas.

Base sa imbestigasyon, habang bumabagtas ang behikulong sinasakyan ng mga biktima sa kahabaan ng Cervanted-Quirino Provincial Road nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver.

Dahil dito, tuluy-tuloy na bumulusok sa bangin ang behikulo na ikinasugat ng mga sakay nito na mabilis na isinugod sa Bessang Pass District Hospital para malapatan ng pangunahing lunas.

Nagresponde ang mga tauhan ng Cervantes Municipal Police Station (MPS), at Cervantes Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at sinaklolohan ang mga biktima.

ACCIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with