Baron, kinukwestyon ng misis sa kasama sa ‘Bed’

Sino kaya ang pinatutungkulan ng misis ni Baron Geisler na si Jamie Evangelista sa kanyang cryptic post?
Nagkaroon na naman nga ng mga bagong haka-haka sa post ng asawa ng actor na parang may malalim o nakatagong meaning.
Burado na ang nasabing post sa Threads kung saan naglahad si Jamie ng isang situation. Itinanong niya kung normal o katanggap-tanggap ba na ang personal assistant or household helper ay kasama sa bed o kama ang kanilang may-asawang employer.
At ang ending ng kanyang ay post ay “for a confused wife.”
Burado man ito pero kumalat na ang screenshot kaya tumi-trending kahapon.
Last July ay naging usap-usapan din ang ipinahiwatig ni Jamie na tila bumalik sa bisyo ang aktor at sinabihan nitong humanap ng “drug rehabilitation sponsor” habang nasa derma clinic si Baron.
Totoo naman na nakakaapekto ang mga ganitong post sa career ni Baron lalo na at lagi nitong sinasabing nagbago na siya.
Nakakapagtaka lang kung ba’t sa social media sila naglalantad ng mga problema sa kanilang kumbaga ay mga pribadong isyu bilang mag-asawa sa halip na ayusin ito nang hindi na idinadaan sa social media.
As of this writing ay dedma si Baron sa mga pasabog ng kanyang misis.
- Latest




















