Babaeng anak ipinatumba ang ama at madrasta!
CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines — Nakakulong na ang isang babae matapos ituro ng kanyang kasabwat na siyang “utak” umano sa pagpatay sa kanyang sariling ama na resort owener at live-in partner nito noong Agosto 27, 2026 sa Barangay Bagong Bayan, Mauban, Quezon.
Ayon kay Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea sumuko si alyas “Ineng” sa himpilan ng pulisya alas-3:00 ng hapon noong Agosto 31, 2026.
Si alyas “Ineng” ay itinuro ng naunang nahuling suspek na si Melvin na nagsabing inalok umano siya ng alyas “Kim” na gawin ang pagpatay sa negosyanteng si Nelson at live-in partner na si Remy.
Lumitaw rin na may iba pang indibiduwal na sangkot sa operasyon, kabilang si alyas “Rambo” na nagsilbing lookout at alyas “Bunganga,” na patuloy na tinutugis ng mga awtoridad.
Sa progess report ng Mauban Police, nag-alok umano si Ineng ng P250,000 kay alyas “Kim” upang patayin o “i-neutralize” ang kaniyang ama. Nang hindi umano natuloy ang alok kay Kim, si Melvin naman ang pumayag na isagawa ang krimen kapalit ng P100,000.
Problema sa pamilya at relasyon ang isa sa mga tinitingnang motibo sa planadong pagpaslang sa negosyante at kinakasama.
Ayon kay PMaj. Hubert Reuben D. Jabrica, hepe ng Mauban Municipal Police Station, inihahanda na ang mga kasong parricide at murder laban kay Ineng, habang double murder ang isasampa laban sa mga kasabwat.
- Latest























