Dylan Menor, pinasikat ni Vehnee Saturno

MANILA, Philippines — Parang nagbago ang isip ng veteran composer na si Vehnee Saturno matapos siyang mag-post kahapon ng “Let’s finish the issue about Sa Aking Puso of Dylan Menor. This is the message of Jillmer from TV5,” post niya kahapon.
Nauna na nga siyang nag-post ng “Was able to watch the launch of Sa Aking Puso by Dylan Menor, and Ariel Rivera was thanked? Why is that?
“I’m the COMPOSER of the song! Please clarify VibePh Tv5 and UniversalRecordsPhils. It seems WRONG!”
Pero hindi nagtagal ay nag-post ulit siya ng “Case Closed. Salamat Po sa lahat who are willing to help uplift OPM.”
Kalakip nito ang palitan nila ng text messages ni Jillmer Dy, head of programming of TV5:
“Wanted to apologize po on behalf of the program. Pasensya na po sa nangyari sa launch ng Sa Aking Puso. This won’t happen again po because we deeply respect all OPM musikeros po,” chat ni Jillmer.
Sumagot si Mr. Saturno ng “Thanks.”
“I appreciate your replies, Sir!” sagot ulit ni Jillmer.
Pero kahapon ay may post na naman ang beteranong composer na bagama’t walang banggit ng pangalan ni Dylan, pero may pasaring.
“Sa lahat ng Singers na nakatrabaho ko, Naiiba si Willie Revillame. Every song na kinakanta niya na gawa ko or gawa ng iba, lagi niya sinasabi ang writers at laging may PASASALAMAT! Sana tularan ka ng ibang SINGERS,” pa-shade niya pa na ang kasama sa photo ay si Willie Revillame na sa kasalukuyan ay hindi na napapanood sa kahit anong channel. Parang wala na rin itong digital programs.
Dahil dito, bigla tuloy pinag-usapan si Dylan na magkakaroon ng concert this October sa Music Museum.
Kasalukuyan na rin siyang napapanood sa bagong chapter ng A Secret in Prague, starring Enrique Gil at Andrea Brillantes.
Napapanood ang A Secret in Prague, Mondays to Fridays, 9:30 p.m. sa TV5 at Kapamilya platforms. Napapanood din ito sa Netflix.
- Latest

















