Maki, laging bitbit ang OPM

Patuloy na ipinagmamalaki ni Maki ang OPM sa international music scene matapos makasama sa lineup ng Lalala Fest Manila at mag-guest sa concert ng British singer-songwriter na si Rex Orange County.
Nakipagsabayan si Maki kay Rex Orange County sa one-night exclusive show nito sa SM Mall of Asia Arena noong Huwebes (Ago. 20), kung saan kinanta niya ang ilan sa kanyang hit songs na Dilaw, Saan? at kahel na langit.
“Totoo pala ‘no, dreams do come true. Parang dati lang, nagco-cover ako ng mga Rex Orange County songs. Tapos now I’m sharing the same stage with them. We’ve come a long way, OPM,” ani Maki sa kanyang performance.
Kasunod nito, nakisaya rin si Maki sa Lalala Fest Manila noong Biyernes (Ago. 21) kasama ang international artists na sina Steve Lacy, FLO, Two Door Cinema Club at Matthew Ifield, pati ang OPM bands na Ben&Ben, Over October, Dilaw at fitterkarma.
Mas pinainit pa ni Maki ang festival nang sorpresahin niya ang fans sa pag-akyat sa entablado ni James Reid para sabay nilang awitin ang bago nilang collaboration na luck.
Ang international performances ni Maki ay bahagi ng patuloy niyang pag-abot sa mas maraming listeners sa labas ng bansa, kasunod ng kanyang naging international activities at tour sa Southeast Asia.
Napapakinggan ang “luck” nina Maki at James Reid sa lahat ng digital streaming platforms. I-stream din ang mga kanta ni Maki sa iba’t ibang music platforms.
- Latest
























