^

PSN Palaro

Santiago, Creamline may gagawing adjustment

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Santiago, Creamline may gagawing adjustment
Jaja Santiago

MANILA, Philippines — May mga bagay pang kailangang ayusin ang Creamline sa kanilang sis­tema sa pagdating ni Jaja Santiago (Sachi Minowa) para sa kampanya sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Confe­rence.

Sa nasabing torneo ay makakatapat ng Cool Smashers ang PLDT High Speed Hitters, Farm Fresh Foxies, Nxled Chameleons at guest teams EST Cola ng Thailand at Ho Chi Minh City ng Vietnam.

“Siyempre iba pa rin sa Invitational kasi may makakalaban din kami na Vietnam, Thailand,” sabi ni Santiago na naglaro sa Creamline sa kanilang pa­nalo sa sister team Choco Mucho sa exhibition game sa Cagayan de Oro City at sa Galeries Tower sa 2026 PVL On Tour sa Victorias City, Negros Occidental.

“Magandang preparation itong On Tour sa amin as team kasi we still have  a lot of adjustment na kailangan ayusin sa team and we’re not perfect we need to polish a lot of things,” dagdag ng 6-foot-5 middle blocker na pumalo ng anim na puntos.

Huling naglaro si Santiago sa PVL noong 2021 sa “Bacarra bubble” kung saan niya iginiya ang Chery Tiggo sa panalo laban sa Creamline para sa kauna-unahang professional volleyball crown.

­Sa Invitational were gonna do our very best. Magiging tight iyong sche­dule and hoping na maganda iyong recovery ng bawat isa everyday and every game,” wika ng 30-anyos na si Santiago na tatapusin ang PVL Invitational Conference bago magtungo sa United States para maglaro sa San Francisco Signal team sa League One Volleyball (LOVB) Pro.

Sisimulan ng PLDT ang pagdedepensa sa kanilang korona laban sa EST Cola sa ala-1:30 ng hapon sa Agosto 31 sa Smart Araneta Coliseum.

Sa alas-4 ng hapon maglalaban ang Creamline at Nxled kasunod ang bakbakan ng Farm Fresh at Ho Chi Minh City ng Vietnam sa alas-6:30 ng gabi.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with