Mojdeh pasok sa UP Fighting Maroons

MANILA, Philippines — Madadagdagan ang puwersa ng University of the Philippines swimming team sa pagpasok ni national team member Micaela Jasmine Mojdeh.
Kumpirmado na ang paglipat ni Mojdeh sa kampo ng Fighting Maroons kaya’t inaabangan na ang pagdating nito sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP).
Sasailalim muna si Mojdeh sa isang taon na residency bago tuluyang makipagbakbakan sa UAAP sa Season 90.
Magbibigay ito sa kanya ng sapat na panahon para magpokus sa high-intensity training, national team qualifiers, at mabilis na team chemistry sa kanyang bagong lineup.
Para kay Mojdeh, ang pag-commit sa UP ay isang magandang desisyon na naglalayong balansehin ang academic excellence at ang kanyang athletic potential.
“I chose the University of the Philippines because I truly believe they offer the finest balance between world-class academics and elite swimming among all UAAP schools,” pahayag ni Mojdeh.
Lalo pang tumibay ang kanyang transition sa UP dahil sa magandang team dynamics sa loob ng kampo.
“During our team building, it became immediately clear that this is more than just a team—we are a family that genuinely has each other’s backs, and that culture of unity made me like the school even more,” dagdag pa niya.
Bukod sa laban sa lanes, ang pagbabalik sa kanyang home base ay nagbigay kay Mojdeh ng kailangang momentum at stability habang sumasabak sa high-stakes international at collegiate meets.
“Sometimes we have to journey far to realize that everything we need to grow has always been right at home. Being surrounded by my family, my longtime coaches, and teammates who lift each other up gives me the grounded perspective I need,” ani Mojdeh.
Galing sa kanyang stint sa 2025 Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand, muling ikakasa ni Mojdeh ang kanyang target para sa redemption campaign sa 2027 SEA Games sa Malaysia.
- Latest

























