Lady trader binaril sa ulo ng partner, utas

MANILA, Philippines — Sabog ang bungo ng isang 49-anyos na negosyanteng babae matapos barilin sa ulo ng kaniyang live-in partner sa Brgy. Labut, Badoc, Ilocos Norte noong Biyernes. Kinilala ang biktima sa pangalan lamang nitong Liza, nasapul ng tama ng bala sa ulo na siyang kumitil sa buhay nito.
Sa ulat ng Ilocos Norte Police, patuloy na pinaghahanap ang suspect na kinilala lamang sa pangalang Rod, 44 taong gulang na mabilis na tumakas sa crime scene.
Bandang alas-3:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente matapos na mag-away ang maglive-in partner sa kanilang tahanan.
Sa gitna ng pag-aaway ng maglive-in partner ay nagtungo ang mister sa kanilang lumang bahay na nasa 40-50 metro ang layo sa kanilang nakaparadang behikulo. Sinundan naman ang mister ng biktima at ilang saglit pa ay umalingawngaw na ang mga putok ng baril na narinig pa ng menor-de-edad nilang anak.
Ang lalaki ay bumalik pa sa kanilang tahanan at kinuha ang pera ng nasabing babae sa master’s bedrom saka tumakas lulan ng kulay pulang Honda Civic bitbit ang baril na ginamit sa pamamaslang sa ginang.
Nagresponde ang mga awtoridad at inabutang duguang nakabulagta ang ginang na wala nang buhay.
- Latest























