^

PSN Showbiz

Kilala at multi-awarded actress, magre-retire na

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Sobrang napagod ang kilala at multi-awarded actress sa huling seryeng ginawa niya.

Sapat naman ang kinita na niya. Okay na ang buhay niya. Puwede na talaga siyang mag-retire. Kaya nagsalita na raw ito na ‘yun na ang huling project na gagawin niya.

Ewan ko kung sasabihin niya uli ito sa mga susunod na interview, pero nagsalita na raw ito sa mga katrabaho niya na ayaw na niya. Wala naman daw siyang kailangang patunayan pa. Kaya huli na raw itong nagawa niyang serye.

Na-curious tuloy akong panoorin ang ginawa niyang teleserye kung bakit siya napagod nang husto. May ilang tapings kasing napilitan na silang mag-pack up dahil hindi na raw talaga niya kaya.

Magalit man o hindi ang staff, basta ayaw na raw niyang tapusin ang mga mabibigat na eksena. Nakadagdag pa ang mga sunud-sunod na pag-ulan, kaya nagkakasakit na raw si aktres.

Ilang beses na palang nagkasakit si aktres, at na-hospitalize pa ito minsan. Kaya hindi malayong magdeklarang magreretiro na siya.

Mabuti at mabait naman siya, maayos makisama sa mga co-actor, kaya sinasabihan siyang kakayanin pa niya.

Nakarating daw ito sa ilang kilalang beteranong artista, nanghihinayang sila. Sinabihan daw nila si aktres na bago man lang siya magretiro, gawa muna sila ng magandang pelikula.

Sa totoo lang, pinag-iisipan nga raw nitong kilalang aktres na gumawa muna ng isang magandang pelikula, ‘yung gusto niya ang makakasama niya, bago man lang siya magretiro sa pag-aartista.

Maricel at Snooky, nag-ala Vilma at Ate Guy!

Parang tribute nga at pagsaludo sa mga magagaling nating artista itong ginawang serye ni Direk Erik Matti na Call My Manager na napapanood sa HBO Max.

Noong Huwebes na-stream ang second episode, at naaliw kami sa pambungad na eksenang ginawa ng special guests nilang sina Maricel Soriano at Snooky Serna.

Gumanap sina Maricel at Snooky as fictionalized versions of themselves. May fierce rivalry sila sa episode, na ang story arc ay inspired ng rivalry nina Superstar Nora Aunor at Star for All Seasons Vilma Santos.

Sa umpisa ng episode ay ni-reenact nila ang mata-sa-mata na confrontation nina Teresita “Tere” Valdez (karakter ni Nora) at Sandra Aragon (karakter ni Vilma) sa ending ng 1978 film na Ikaw Ay Akin na idinirek ni National Artist Ishmael Bernal.

Mala-Vilma si Snooky, samantalang mala-Nora si Maricel, sa pelikula kunwari na Ang Sa ‘Kin Ay Sa ‘Yo, gamit na background music ang kantang Forever Loving You ni Ate Guy.

Binuhay sa episode na ‘yun ang mainit na kumpetisyon nina Maricel at Snooky.

Isinariwa ang classic films nila na ang reference ay ang melodrama film nina Maricel at Snooky na Inagaw Mo Ang Lahat Sa Akin, sa direksyon ni Carlos Siguion-Reyna.

Ang kuwento pa sa episode na ‘yun ay nag-agawan sina Snooky at Maricel kung sino ang gaganap na Paula sa pagsasapelikula muli ng A Portrait of the Artist as Filipino.

Dahil kay Mother Aleta Alfonso (karakter ni Gina Alajar), na-settle na si Maricel ang gaganap na Paula, at si Snooky ang Candida.

Bago tinapos ang episode na ‘yun, nagkaroon ng isyu sa billing dahil ang gusto ni Snooky ay siya ang mauna sa billing dahil mas marami siyang awards, at pinagbigyan na niya si Maricel sa papel na Paula.

Hango ito sa pelikula nina Nora at Vilma na T-Bird at Ako na parang roleta ang billing.

Natapos ang episode ng closing credits na paikot.

Sa mga sumusubabay sa Philippine movie industry, tiyak na maaaliw sa episode na ito, lalo na’t ang gagaling nilang lahat umarte.

Ang bida talaga dito sa Call My Manager ay si Judy Ann Santos, kasama sina Edu Manzano, RK Bagatsing na talent managers ang role nila.

Sa susunod na linggo ang episode 3 at dadalirutin daw naman daw nila rito ang isang sex video scandal.

May nakakalokang eksena raw dito si Direk Laurice Guillen?

Abangan natin ‘yan!

MARICEL

SNOOKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with