Obiena pang-anim sa Lausanne
MANILA, Philippines — Tumapos si Olympian EJ OBiena sa sixth place matapos magtala ng 5.81 meters sa Athletissima Lausanne meet kahapon sa Switzerland.
Nagmula ang World No. 13 ranked sa paglundag ng season-best niyang 5.91 meters para pagharian ang nakaraang Golden Sand 2026 competition sa Mi?dzyzdroje, Poland.
Nailista ng 30-anyos na si Obiena ang 5.81m sa kanyang ikalawang attempt, ngunit nabigo namang lundagin ang mas mataas na 5.91m na maaaring maglagay sana sa kanya sa podium.
Si Olympic champion at world-record holder Mondo Duplantis ang kumuha sa gold medal sa nasabing leg ng Diamond League sa kanyang bagong meet record na 6.21m.
- Latest


















