^

Pang Movies

Chuckie, mas naging paranoid!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Chuckie, mas naging paranoid!
Chuckie Dreyfus

Nakaranas ng “health scare” ka­makailan ang aktor na si Chuckie Dreyfus.

Ikinuwento niya na nagtungo siya sa ospital after ng kanyang taping para sa Taskforce: Firewall matapos makaram­dam ng hindi magandang sintomas sa kanyang katawan.

“At 52, apparently may notifications na rin akong hindi galing sa phone. The other night, may kakaibang sakit sa dibdib at likod ko. Tried all the usual explanations in my head… baka workout, baka muscle, baka mali lang tulog ko.

“It felt different enough that I decided not to guess. So ayun… ER, X-ray, ECG, gamot, then home around 2 AM. Thankfully, matinding muscle spasm lang daw,” sey ng former child actor sa pinost niyang reel sa Facebook. 

Noon, ang sinasabi ni Chuckie ay “wala ‘yan” kapag may nararamdaman siya.

Pero ngayon, dahil sa edad niya, hindi na niya bina-balewala at agad na niyang pinapansin ang mga nararamdaman ng katawan niya.

“I don’t think getting older has made me more paranoid. Mas ayoko lang siguro ngayong basta sabihin na, “Wala ‘yan,” diin ni Chuckie.

Rocco, sarado na ang pinto sa pulitika

Inamin ni Rocco Nacino na nagkaroon siya ng pagkakataong pumasok sa politika, ngunit mas pinili niyang magpatuloy sa pag-arte.

Seryoso niyang kinonsidera ang alok dahil nais din niyang magsagawa ng mga programa para sa kabataan, at sa mga usapin tungkol sa kalusugan at sports.

“Muntik na. May nagyaya na rin.

Nagbigay rin po ako ng intensyon. May mga kinausap din po bilang options din ba, pero pinili ko pa rin ang showbiz,” sey ni Rocco.

Nang tanungin kung local position ba ito sa Antipolo? Sagot ni Rocco ay “Yes.”

Hindi ito itinuloy ni Rocco dahil sa commitment niya sa mga proyekto bilang artista. Kaya sa ngayon, sarado ang pintuan niya sa pagpasok sa politika.

“’Yung dami ng proyekto na mawawala sa akin po. So parang sayang kasi may pamilya na ako, and maisasantabi muna ‘yan.”

Mutant team sa x-men, mga bago na ang gaganap

Ipinakilala na ang mga bagong actors na gaganap sa mutant team sa bagong X-Men movie.

Inanunsyo ito ng Marvel Studios sa D23: The Official Disney Fan Club. Naka-schedule ang bagong X-Men reboot na ipalabas sa May 5, 2028. 

Sa event, ibinida ng Marvel ang bagong cast ng mga mutant hero. Kasama rito si Sadie Sink, na unang lumabas sa Spider-Man: Brand New Day bilang mutant telepath na si Jean Grey. 

Kabilang din sa cast sina Kit Connor bilang si Scott Summers o Cyclops; Christopher Abbott bilang mentor at telepath na si Charles Xavier o Professor X; Samara Weaving bilang si Emma Frost na may diamond skin; Inez Navarrette bilang si Anna Marie o Rogue na kayang mang-agaw ng kapangyarihan; at si Maya Boyd bilang si Ororo Munroe o Storm na kayang kontrolin ang weather.

Unang pinalabas in 2000 ang X-Men na pinagbidahan noon nila Hugh Jackman, Halle Berry, Sir Ian McKellen, Patrick Stewart, James Marsden, Anna Paquin, Rebecca Romijn, Shawn Ashmore, Ray Park, January Jones, and Famke Janssen.

SHOWBIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with