^

PSN Palaro

Phoenix bagsak sa Blue Eagles

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Matagumpay na nabuksan ng Ateneo ang ba­gong kabanata sa ma­kasaysayan nitong prog­rama matapos ang masaklap na trahedya sa Dipaculao, Aurora noong Hunyo 8.

Sa gabay ni inte­rim head coach Louie Alas, wagi ang Blue Eagles kontra sa Our Lady of Fatima University Phoenix, 71-60, sa wildcard round ng 2026 Pinoy Liga Big Dance kahapon sa Blue Eagle Gym sa Quezon City.

Ito ang unang salang ng Ateneo sa loob ng lagpas 2 buwan matapos ang pagkalunod ng 2 nitong manlalaro na sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa kasagsagan ng trai­ning camp at team building nila sa Hermanos Leisure Farm sa Dipaculao.

“We just praised God for allowing us to play. ‘Yan lang talaga, honestly. And we’re very thankful. Thank you,” ani Alas na pansa­mantalang pumalit kay Tab Baldwin.

Abante ngayon sa main draw ang Ateneo at sunod na kakaharapin ang College of St. Benilde ng NCAA o San Pedro College of Business Administration.

ALAS

NCAA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with