Piskal sinibak sa Batangas
CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang babaeng fiscal ang tinanggal sa posisyon bilang public prosecutor dahil sa pagkawala umano ng kumpiyansa ng isang complainant kaugnay ng insidente ng pamamaril noong 2026 na kinasangkutan ng isang pulis at isang residente sa Calaca, Batangas.
Sinibak, ang piskal na si Karen Ann Huerto at pinalitan ni Cavite Senior Assistant Prosecutor Noel Nuestro noong August 10. Siya ay naitalagang humawak sa kasong “People vs. Reyvel Noche” bilang special prosecutor habang ang kasong kriminal ay nagpapatuloy sa paglilitis sa korte para sa frustrated homicide sa RTC, Branch IX, Balayan, Batangas.
Ang pagpapalit kay Huerto ay nag-ugat umano sa kahilingan ng mag-asawang Onol tanggapan ng Napolcom-CALABARZON noong Agosto 5.
Ayon sa report, nawalan ng kumpiyansa ng misis kay Huerto pagkatapos nitong hawakan ang kaso ng kanyang asawa ay may 50/50 chance na manalo. Natakot din umano sila sa mga pulis na pagala-gala sa kanilang barangay.
- Latest

















