^

Probinsiya

Babaeng lending collector inutas sa sinisingil na P150!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Babaeng lending collector inutas sa sinisingil na P150!
Ang biktima ay nakilalang si Rina Jane Brigildo, collector ng CARD (Center for Agriculture and Rural Development) Inc.- Isabel Branch, isang microfinance institution at tubong Matag-ob, Leyte, natagpuang naagnas na sa madamong bahagi ng bulubunduking lugar sa Brgy. Matlag, Isabel.
STAR / File

MANILA, Philippines — Patay ang isang 22-anyos na babaeng lending collector makaraang bugbugin at saksakin ng isang 20-anyos na lalaki sa gitna ng kanilang pagtatalo dahil sa sinisingil na P150 na hulog sa utang ng huli sa Isabel, Leyte.

Ang biktima ay nakilalang si Rina Jane Brigildo, collector ng CARD (Center for Agriculture and Rural Development) Inc.- Isabel Branch, isang microfinance institution at tubong Matag-ob, Leyte, natagpuang naagnas na sa madamong bahagi ng bulubunduking lugar sa Brgy. Matlag, Isabel.

Nadiskubre ang krimen nang mismong lumutang sumuko sa Isabel Municipal Police Station (MPS) ang suspect na si alyas “Paolo,” 20-anyos na habal-habal driver nang makonsensya umano sa ginawang krimen.

Sa report ng pulisya, ang nangangamoy nang bangkay ng biktima ay nadiskubre noong Lunes (­Agosto 10) ng umaga matapos siyang huling makitang buhay noong Agosto 3 habang nangongolekta ng bayad mula sa kaniyang mga kliyente.

Nakunan pa ng CCTV habang sakay ng habal-habal ng suspect ang biktima. Ang tricycle ay huminto sa liblib na bahagi ng Brgy. Matlang.

Inamin ng suspect sa pulisya na nagtalo umano sila ng biktima dahil sa sinisingil siya nito sa hulog na P150 na bahagi ng utang niyang P3,000 pero nabigo siyang makapaghulog dahil kulang ang kaniyang pera.

Ayon sa suspek, pinagmumura siya ng biktima habang sinisingil kung kaya magdilim ang kaniyang isip kaya pinagsusuntok niya at sinaksak hanggang sa mapatay.

LENDING COLLECTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with