Amit, Centeno tutumbok sa quarters

MANILA, Philippines — Umusad sa susunod na phase ang dalawang pam- batong world champions ng Pilipinas na sina Chezka Centeno at Rubilen “Bingkay” Amit matapos nilang magtala ng dalawang sunond na panalo sa Pro Billiards Series: 2026 Fujifilm Women’s Doubles Masters 10-Ball Showdown na nilaro sa Roma Cavalieri, Italy kahapon.
Unang kinaldag nina Centeno at Amit sina Japanesse bets Yuki Hiraguchi at Chihiro Kawahara, 2-0 sa round 1 at saka pinagulong nila sa winners classification ang duo nina Silviana Lu ng Indonesia at Sakura Muramatsu ng Japan, 2-0.
Sina 27-anyos Centeno at Amit, 41 ay mga three-time world champions, nag-aabang sila ng makakalaban nila sa quarterfinals sa event na nakalaan ang $75,000 prize fund kung saan ay ibubulsa ng magkakampeon ang $20,000 premyo.
Produkto ng Batang Pinoy si Centeno, kinoronahan ito ng dalawang beses sa World 10-Ball Championship noong 2023 at 2025.
Nag-kampeon namansi Amit sa World 10-Ball Championship noong 2009 at 2013, nakuha naman nito ang titulo sa World 9-Ball noong 2024.
- Latest



















