^

Police Metro

Binatilyo na rider tepok sa salpok

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 15-anyos na binatilyong rider ang nasawi habang sugatan naman ang backrider nitong 19-anyos na babae makaraang sumalpok sa barandilyang bakal sa tabi ng highway ang minamanehong motorsiklo sa Toledo City, Cebu noong Sabado.

Kinilala ang nasa­wing si Daniel Bordaje Samson habang sugatan ang babaeng angkas na si Mary Angel Garcia na kapwa walang suot na helmet.

Sa ulat ng Toledo City Police, kasalukuyang minamaneho ni Samson ang motorsiklo na wala umanong driver’s license at angkas si Garcia, galing sa Brgy. Poblacion na kasalukuyang binabaybay ang pakurbadang daan sa Brgy. Ibo ng lungsod nang mawalan ng kontrol sa manibela.

Sumemplang ang motorsiklo na sumalpok sa barandilyang bakal sa national highway kung saan tumilapon ang dalawa na kapwa nasugatan sa insidente.

Agad dumating ang mga rescuer at isinugod sa Toledo City General Hospital ang dalawa, su­balit idineklarang dead-on-arrival si Samson habang nilalapatan ng lunas ang babae.

TOLEDO CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with