^

PSN Palaro

Rain or Shine isinalba ni Nocum

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Rain or Shine isinalba ni Nocum
Nagpumiglas si Rain or Shine star guard Adrian Nocum mula sa depensa ni Jerom Lastimosa ng MagnoliNagpumiglas si Rain or Shine star guard Adrian Nocum mula sa depensa ni Jerom Lastimosa ng Magnolia.
PBA

MANILA, Philippines —  Kumawala si Adrian Nocum sa depensa para sa kanyang layup sa hu­ling 5.6 segundo sa 98-97 pagtakas ng Rain or Shine sa Magnolia sa PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa MOA  Arena sa Pasay City.

Kumamada si Nocum ng career-high 31 points bukod sa 9 rebounds at 4 assists para sa ikatlong sunod na ratsada ng Elasto Painters sa Group B matapos ang 0-2 panimula.

Nagdagdag si rookie Deo Cuajao ng 15 markers tampok ang tatlong three-point shots sa third quarter, habang may 14 at 12 points sina resident import Aaron Fuller at Luis Villegas, ayon sa pagkaka­sunod.

“Decided by one play lang naman ito eh, one possession, that last possession. Wala kang puwedeng ipintas doon sa laro ng Magnolia, lumaban din sila, kaya lang nasuwertehan namin iyong huling play,” ani coach Yeng Guiao.

Bigo ang Hotshots na mai­lista ang hangad na back-to-back wins at nalag­lag sa 1-3 marka sa kabila ng nahugot na 31 points at 17 boards ni import KJ Buffen.

Matapos ang nakum­pletong 3-point play ni Ian Sangalang sa huling 24.5 segundo ng fourth period para sa 97-96 abante ng Magnolia ay umatake si Nocum para sa kanyang layup na nag-angat sa Rain or Shine sa 98-97 sa natitirang 5.6 segundo.

Nauna nang itinayo ng Hotshots ang 23-11 bentahe sa first quarter bago naiposte ng Elasto Painters ang 71-60 kalamangan sa 8:48 minuto ng third canto mula sa triple ni Cuajao.

Samantala, ipaparada ng nagdedepensang TNT Tropang 5G (2-2) si Rahlir Hollis-Jefferson para palitan ang overweight na si Darius Days sa pagsagupa sa San Miguel (4-1) nga­yong alas-7:30 ng gabi sa MOA Arena.

Ito ang ikalawang pagkakataon na lalaro ang kapatid ni resident import Rondae Hollis-Jefferson sa Tropang 5G matapos noong 2023-24 Commissioner’s Cup.

ADRIAN NOCUM

NOCUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with