^

Probinsiya

3 babae niragasa ng 2 sasakyan, 2 patay!

Christina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
3 babae niragasa ng 2 sasakyan, 2 patay!
Satellite image shows Cavite.
Google Maps

CAVITE, Philippines — Patay ang dalawang babae kabilang ang isang 18-anyos na estudyante matapos silang salpukin ng dalawang sasakyan habang tumatawid sa Tagaytay-Sta Rosa Road at tinakasan sa Brgy. Pasong Lanyka, bayan ng Silang, dito, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala lang ang mga nasawi sa mga alyas na alyas “Lyn”, 40-anyos, isang waitress, residente ng Amadeo Cavitre; alyas “Vhiel”, 18-anyos, working student, ng Pasong Langka Silang, habang ang sugatan ay si alyas “Nicole”, 20-anyos, canteen employee, at residente ng Tagaytay City.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang kapwa tumakas na dalawang ‘di pa mabatid na sasakyan lulan ang mga hindi kilalang driver matapos ang insidente.

Base sa ulat, alas-7:06 ng gabi ay mag-kakasabay na tumatawid  sa kalsada ang tatlong biktima nang salpukin ng isang ‘di pa mabatid ng sasakyan. Pagkasalpok, tumilapon ang mga biktima sa kabilang lane ng kalsada at muling nasagasaan ng papara­ting na isa pang hindi rin mabatid na sasakyan.

Kapwa tumakas ang dalawang sasakyan habang agad na naitakbo ng rumespondeng ambulance ang mga biktima at dinala sa pagamutan. Gayunman, hindi na nai­salba pa ang dalawa habang nananatiling kritikal ang isa pa.

Nagsasagawa na ang mga awtoridad ng imbestigasyon at backtracking sa CCTV footages na nakalap sa lugar upang matukoy ang dalawang sasakyan at driver nito na nakapatay sa dalawang biktima at nakasugat sa isa pa.

LYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with