Game of Thrones actress nakaeksena...Lovi, exec producer sa Venice Filmfest entry ni Lab Diaz!

Si Lovi Poe pala ang executive producer (C’est Lovi Productions) ng pelikulang Makikiraan Po (Let Us Through, Dear Ancestors) na isang obra ni Lav Diaz na nakapasok sa 83rd Venice International Film Festival
Malaking bagay ito para sa actress na bibiyahe ang pelikula sa tinuturing na isa sa mga prestigious film festival sa mundo.
Napili ang pelikula para sa world premiere this coming September.
Post ni Lovi : “So happy to share that our film “Makikiraan Po” (Let Us Through, Dear Ancestors), directed by Lav Diaz, will have its world premiere at the 83rd Venice International Film Festival (@labiennale) this September.
Grateful to everyone who helped bring this story to life,” sabi niya sa post kahapon.
Ang Makikiraan Po ay nag-explore sa matitinding sugat ng kolonisasyon, pagbabalik-loob sa relihiyon, at paglaban ng mga katutubo.
Sinusundan ng kwento si Padre Enciso, na ginampanan ni Bart Guingona, isang prayleng Espanyol at encomendero na may tungkulin sa pagpapalaganap ng Katolisismo habang pinangangasiwaan ang pagtatayo ng isang simbahan. Inutusan niya ang kanyang anak na si Dungwen (Christian Bables), na maghatid ng mahalagang limestone sa mga teritoryo kung saan ang mga katutubong komunidad ay patuloy na lumalaban sa kolonyal na paghahari.
Kasama rin sa ensemble cast sina Ronnie Lazaro, Isabel Sandoval, Yul Servo, Hazel Orencio, Rafa Siguion-Reyna, at iba pang Filipino actors.
Anyway, katatapos lang this week ng With Love, Lovi mediacon kung saan pumirma si Lovi sa Star Magic, ABS-CBN talent arm kung saan ikinuwento ni Lovi na pwede nang matupad ang hiling ng fans niya na muli silang magkatrabaho ni Coco Martin.
Matatandaan na tumatak ang tambalang Tanggol (Coco) at Mokang (Lovi) sa FPJ’s Batang Quiapo noong 2024 kaya naman ganun na lang ang lungkot ng televiewers nang mamaalam ang karakter ng aktres sa Kapamilya action serye. “You know, honestly, isa sa pinaka-ikinasasaya ko at ikinatutuwa ko is wherever I go tinatawag pa rin nila akong Mokang. And when they scream Mokang, talagang it makes me go back to the time na yun when we were filming Batang Quiapo. Kasi I really had the best time. I enjoyed every single moment with Coco as well and, you know, everything. I love the character, I love Tanggol and Coco.
“And of course, I would love to work with him. I can never say never, ’di ba? I hope we get to work again together for sure,” sey ng aktres na bet din makatrabaho ang iba pang Star Magic artists gaya nina Kathryn Bernardo, Belle Mariano, Gerald Anderson, Jericho Rosales, at iba pa.
If ever, maaari siyang lumabas bilang guest sa bagong action serye ni Coco na Coco Martin’s Sigabo, na pinagbibidahan din ng real-life partner nitong si Julia Montes.
Samantala, isa ang Star Magic chief na si Lauren Dyogi sa mga nag-welcome kay Lovi via a video message bukod kina Piolo Pascual at Enchong Dee, na kasama niya sa psycho-horror movie na The Sacrifice.
Para kay Direk Lauren, si Lovi represents “excellence.”
“She’s a lot of things. She’s a great actress, she’s a performer, she sings, she dances and she’s a producer. She creates stories and more importantly, she’s there to protect the legacy of her father and I know it’s a big burden, it’s a big responsibility but definitely, Lovi Poe can and is in a good place to be able to progress the legacy of FPJ,” sey ng ABS-CBN executive.
Gaya ng dati, mukhang magpapabalik-balik pa rin ang aktres dito at sa abroad dahil sa film/TV assignments.
Kakatapos lang niyang gawin ang Hollywood thriller film na Ignition kung saan kasama niya ang British actor at BAFTA nominee na si Rory Kinnear at si Maisie Williams, na nakilala bilang Arya Stark sa hit series na Game of Thrones.
Tsika ni Lovi, “Maisie’s great, nakaka-starstruck, to be honest, running lines with her. But I can’t really say much about it yet ’coz I’m not really sure what I’m allowed to divulge. The fact na when I was running lines with her, I was just pretending to act cool but deep inside I’m dying. Sabi ko, ‘oh, my God!’ It’s great, kasi siyempre, Game of Thrones’ was flashing sa mind ko while I was running lines with her. So I had to relax and keep my cool.”
- Latest

























