^

Police Metro

Task Group ‘Mima’ binuo vs killers ng pro-Pangulong Marcos vlogger

Ludy Bermudo - Pang-masa
Task Group ‘Mima’ binuo vs killers ng pro-Pangulong Marcos vlogger
Sinabi ni NPD director Police Brig. General Benliner Capili na ang Special Investigation Task Group “Mima” ay tututok sa imbestigasyon.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bumuo ng special task force ang Northern Police District (NPD) para matunton ang mga suspek at matukoy ang motibo sa pamamaslang sa kilalang pro-PBBM vlogger na si “Mima Alicia”, sa Caloocan City.

Sinabi ni NPD director Police Brig. General Benliner Capili na ang Special Investigation Task Group “Mima” ay tututok sa imbestigasyon.

Iniutos ni Capili sa task group na pakilusin ang buong puwersa ng investigative at intelligence resources upang agad na matukoy at matunton ang mga suspek sa pag-atake.

Batay sa ulat ng NPD, ang vlogge na si Alicia “Mima Alicia” Lipata, 24-anyos, at live-in partner na si alyas “Nelboy”, 25, ay pinasok sa inuupahang bahay sa isang gated subdivision sa Barangay 171, Caloocan City, alas-3:06 ng madaling araw noong Hulyo 17. Nagawa pa umanong makatakbo palabas ng bahay ng dalawang biktima kahit nagtamo na ng mga tama ng bala, hanggang sa madiskubreng nakahandusay at wala nang buhay ang vlogger. Ang landlord naman ang nagsugod kay Nelboy sa Camarin Doctors Hospital.

Pinag-aaralan na ang mga video footage habang nagsasagawa ng back tracking at forward tracking sa motorsiklo na sinakyan ng riding-in-tandem na suspek.

Si Lipata, isang ­miyembro ng United Vloggers and ­Influencers of the Philippines, ay kilala bilang tagasuporta ng ­administrasyong Marcos at kritiko ni Vice Pres. Sara Duterte at mga personalidad na may kaugnayan sa pamilyang Duterte.

Kabilang sa pinakahu­ling vlog ni Lipata ay ang pagbatikos sa paliwanag ni Atty. Michael Poa sa sinasabing “bloodbath”  ni VP Sara, mga pagkaing ihahain umano sa Senado ay may lason at ang isyu ng abortion na tinalakay niya at ibinatay sa vlog ng ibang content creator-commentator.

NPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with