Broadcast media worker patay sa pamamaril
MANILA, Philippines — Isang broadcast media worker ng Catholic-run radio station sa Cotabato City ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga armadong salarin sa Maguindanao del Norte nitong Martes ng gabi.
Kinilala ang bikima na si Dennis Pido, 56-anyos, residente ng Pigcawayan, North Cotabato, isang technician sa DXMS-AM/DXOL-FM ng Notre Dame Broadcasting Corporaton (NDBC) na pag-aari ng Oblates of Mary Immaculate.
Sa ulat ng pulisya, alas-3:50 ng hapon nang mangyari ang krimen sa kahabaan ng Brgy. Limbo, Sultan Kudarat.
Sa ulat ng Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region (PRO-BAR), kasalukuyang minamaneho ni Pido ang kaniyang Honda CRF 300 motorcycle patungo sa kaniyang trabaho nang harangin ng riding in tandem suspect at pagbabarilin.
Nagtamo ang biktima ng apat na tama ng bala, tatlo rito ay tumagos sa kaniyang puso na bagaman naisugod pa sa Cotabato Sanitarium and General Hospital, pero idineklara na itong dead-on-arrival.
- Latest

















