^

PSN Showbiz

Fans ni Angel, tinutulungan si Anne!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Fans ni Angel, tinutulungan si Anne!
Angel Locsin
STAR/ File

Pati fans ni Angel Locsin ay busy sa pagboto kay Anne Curtis para sa Outstanding Asian Star Award sa gaganaping Seoul International Drama Awards 2026.

Hindi raw nila nakakalimutan ang ginawa ni Anne na pagdamay noon kay Angel, nung pumanaw ang ama nito.

Labanan ng boto ang Outstanding Asian Award kaya kailangan talaga ng suporta ng fans.

At nominated si Anne sa kanyang pagganap sa local adaptation ng Korean drama series na It’s Okay to Not Be Okay na ganundin ang title sa Pinoy adaptation nito.

Dahil sa rami ng suporta, no. 2 na si Anne sa ranking. Matindi niyang kalaban si Kim Chiu na nominado naman para sa serye nila ni Paulo Avelino na The Alibi.

Agad namang nagpasalamat si Anne.

Nauna na rin siyang nag-tweet ng “SALAMAAAAAT! again, win or lose I appreciate all your effort guys!”

Magla-last day bukas ang botohan, July 14, at sinabi na from the start ni Anne na hindi siya umaasang magwawagi siya dahil aniya ay mabibigat ang kanyang kalaban.

Gaganapin ang 21st Seoul International Drama Awards KBS Hall sa Seoul, South Korea sa Oct. 8.

Nauna nang nanalo rito sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Belle Mariano at Kim Chiu.

Kaya nga ang pinu-push ngayon ni Kim ay si Paulo na nasa number 1 slot daw sa kasalukuyan dahil sa sipag ng kanilang fans. Lalo na raw at ang fans pala ni Kim ang may hawak ng kanyang Facebook account kaya masipag silang mag-post ng ganap nina Kim at Paulo.

ANNE CURTIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with