^

Police Metro

VP Sara inisnab unang araw ng trial

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi dumating kahapon si Vice President Sara Duterte sa pagsisimula ng impeachment trial laban sa kanya.

Kinumpirma mismo ng tagapagsalita ng defense team na si Atty. Michael Poa na hindi personal na dadalo si VP Sara at sa halip ay nagpasya itong katawanin na lamang ng kanyang mga abogado.

“I think, naglabas na po ng statement ang ating bise presidente that she has chosen to appear by counsel today, in accor­dance with the impeachment rules. Karapatan naman po niya ‘yun that her appearance remains through counsel. So, sa ngayon po, masasabi natin na hindi na siya mag-a-appear today. She is here through counsel,” ayon kay Poa.

Nilinaw rin ni Poa na ang hindi pagharap ng personal ni VP Sara sa pagdinig ay hindi nanga­ngahulugan ng pag-iwas sa kanyang responsibilidad sa bayan.

Ani Poa, matagal nang hinaharap ni VP Sara ang kanyang kaso kaya’t matagal na itong bumuo ng defense team upang dumepensa sa kanya dahil alam na niyang aabot ang ganitong pagkakataon.

Kaya rin aniya na­ririto silang mga abogado ay upang sagutin at patunayan na walang basehan ang mga paratang laban sa kanilang kliyente.

“Ang mandato po niya bilang Bise Presidente ay magtrabaho para sa bayan at ‘yun nga po ang ginagawa niya,” wika ni Poa.

Ayon pa kay Poa, kasalukuyang nasa planning session si Duterte kasama ang mga mi­yembro ng Office of the Vice President kaugnay ng paghahanda sa Super Typhoon Bavi.

Nagpahiwatig din si Poa na maaari pa ring dumalo ang bise presidente sa mga susunod na pagdinig kung kakaila­nganin.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with