Marcos, ‘di manonood ng VP Sara trial
MANILA, Philippines — “Hindi manonood si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte dahil maraming itong aasikasuhin na trabaho”.
Ito ang sinabi ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro at hindi uupo ang Presidente para manood sa mga magiging kaganapan sa Senado dahil mas maraming dapat na atupagin ito.
Malalaman din naman aniya ng Pangulo kung ano ang magiging mga kaganapan kaya tuloy lang ito sa kanyang mga ginagawa sa Malacañang.
“Hindi naman kinakailangan na mag-monitor ang Pangulo mas marami pang dapat na trabahuhin ang Pangulo at hindi siya uupo lamang para manood ng impeachment trial,” ani Castro.
Aniya ang paninindigan ni Pangulong Marcos Jr. ay kung may dapat na sagutin ay kailangang sagutin at mas maganda aniyang humarap ang akusado sa impeachment trial para siya mismo ang sumagot sa mga akusasyon laban sa kanya.
- Latest




















