^

PSN Opinyon

Gen Z ang magpapasiya sa paglilitis ni VP Sara

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Sabik ang mamamayan manood sa paglilitis ni impeached VP Sara Duterte. Handa ang mga eksperto sa Konstitus­yon at batas para giyahan ang publiko. Kasado ang media sa paglahad ng blow-by-blow.

Taon 2012 huling nagdaos ng impeachment. Sa botong 21-3, hinatulan ng Senado na tiwali at may tagong-yaman si Chief Justice Renato Corona. Tinanggal siya at habambuhay binawalan na mapuwesto. Ngayon lang makakapa­nood ng paglilitis ng mataas na opisyal ang mga Gen Z.

Kinailangang makialam ang mamamayan sa pina­ka­unang paglilitis na impeachment nu’ng 2001. Bumoto kasi ang mayorya ng mga senador, 11-10, na itago ang ebidensya sa sobre laban kay President Joseph Estrada. Galit na nagmartsa ang taumbayan sa Edsa Shrine at iba pang mga plaza sa kapuluan, Jan. 16-20, 2001.

Ginawang katatawanan ang pangalan ng 11 maka-Erap na senador. Kumampi sa taumbayan at bumitiw sa pangulo ang DND-AFP. Tahimik na nilisan ni Erap ang Malacañang.

Wikipedia

Ngayon alam ng madla na mayorya ng mga senador ay maka-Sara. Ganunpaman, may mga umaasa na magi­ging patas sila. Kesyo makikinig daw sa ebidensiya; kesyo mag­papasiya batay sa talino.

Pero ang impeachment ay prosesong legal at prose­song politika. At ang politika sa Pilipinas ay makasarili, hindi makabansa.

Ngayon pa lang iniisip na ng mga politiko ang Halalan 2028. Pinaplano na kung kanino sila hahanay sa pagka-Pangulo. Titimbangin nila ang perang pangkampanya kontra sa interes ng madla.

Magiging leksiyon sa Gen Z ang mga magaganap. Batay du’n, papasiya sila kung may pag-asa pa o wala ang bansang ito. Nasa kanilang kamay, hindi sa politiko, ang kapalaran ng Pilipinas.

***

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM)

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with