LJ, may cookie store na sa New York

Nag-open ng cookie store sa New York si LJ Reyes na pinangalanan niyang The Village Cookie at isa sa mga larawan na pinost sa opening ng kanyang cookie business, kasama nito ang asawa at dalawang anak.
Makikitang malaki at binata na si Aki, ang anak nina LJ at Paulo Avelino, at mas matangkad na kay LJ at parang kasing tangkad na ng asawa ni LJ. Makikita sa photo na magkatabi sina Aki at stepdad niya na nakahawak ang husband ni LJ sa waist ni Aki. Comment ng netizens, sa larawan, makikitang close ang mag-amain.
Malaki na rin si Summer, ang anak nina LJ at Paolo Contis, na sa videos na pino-post dati ni LJ, makikitang masayahin ang anak. Tiningnan namin ang picture ni Summer dahil comment ng netizens, kamukha siya ni Paolo.
Anyway, magugulat si Paolo kapag nakita si Summer dahil malaki na at siguradong Inglesera with a New Yorker twang.
As for Aki, nabibisita siya ni Paulo kapag nasa Amerika ang aktor at kahit papaano, nasusubaybayan niya ang paglaki ng anak. May communication din yata ang mag-ama, nagkakausap sila online.
Nakakatuwang makitang masaya si LJ sa piling ng mga anak at asawa at heto nga, may binuksan pang business. Masaya rin ang kanyang mga anak at ‘yun ang importante.
Kim, GV lang sa intriga kay Ryzza!
Ang post ni Kim Chiu na “GV GV lang po tayo” na ang paniniwala ng mga nakabasa ay reaction niya sa isyu sa kanila ni Ryzza Mae Dizon o iniisyu ng netizens sa kanila ni Ryzza.
Tungkol ito sa “Lotus Feet” isyu na naging dahilan para ma-bash si Kim.
Hinintay ang reaction niya sa pamba-bash sa kanya at ito na nga ang kanyang post. Hindi man niya tuwirang tinukoy na sagot niya ito sa isyu sa kanila ni Ryzza, marami ang naniniwalang reaction niya ito.
In fairness, walang sagot si Ryzza sa isyu, pinabayaan lang niya o dahil kaya sa wala pang nakakapag-interview sa kanya? Ang latest na tsika, in-unfollow raw ni Ryzza sa Instagram (IG) si Kim at may inilatag na pruweba.
Kaya lang, tama ang ibang netizens, hindi natin alam kung naka-follow nga si Ryzza sa IG ni Kim. Baka naman hindi talaga siya naka-follow kaya walang isyu kung in-unfollow man niya ito.
Nakakatuwa at nasa news lately si Ryzza at dahil ito sa pagpi-pair sa kanila ng Eat Bulaga na tinanggap ng tao. Marami ang kinikilig at may mga request nga na gawin nang regular co-host si Bimby Aquino para tuluy-tuloy ang MaeBy love team.
Anyway, balik sa Kim-Ryzza issue, may mga gusto tuloy na magkita ang dalawa at si Kris Aquino lang ang makakagawa nito. Close si Kris kay Kim at itinuturing nga nitong panganay ang aktres.
Nagiging close rin si Kris kay Ryzza dahil kay Bimby, kaya kung may tao man na puwede at kayang pagkitain sina Kim at Ryzza, si Kris ‘yun. Hintayin natin na maganap ito at siguradong sasaya ang fans.
- Latest























