^

PSN Palaro

No Justin Brownlee, no problem sa Gilas

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

Manawatu jets tinambakan

MANILA, Philippines — Hindi ininda ng Gilas Pilipinas ang kawalan ng pambatong si Justin Brownlee matapos kaldagin ang Property Brokers Manawatu Jets sa friendly game, 90-61, kahapon sa Fly Palmy Arena sa New Zealand.

Nagpahinga muna ang naturalized player na si Brownlee subalit solido ang local crew ng Nationals sa pangunguna ni Kevin Quiambao na kumamada ng 13 puntos.

Nag-ambag din ng 12 at 11 puntos sina Carl Tamayo at Troy Rosario, ayon sa pagkakasunod, sa bigating 29-point win ng mga tropa ni coach Tim Cone.

Nakatulong nila sina Juan Gomez De Liaño at Dwight Ramos na may 9 at 8 puntos, ayon sa pagkakasunod, habang may tig-7 puntos sina Chris Newsome at AJ Edu.

May tig-6 na puntos din sina Mike Phillips at RJ Abarrientos habang may 4 at  3 puntos sina 9-time PBA MVP June Mar Fajardo at Justine Baltazar.

Ito ang unang salang sa Gilas nina Phillips, Baltazar at Rosario bilang kapalit nina Kai Sotto, Quentin Millora-Brown at Calvin Oftana. Si De Liaño naman ang pumalit kay Scottie Thompson bagama’t nakalaro na noong nakaraang window.

Nadale ng ankle sprain injury si Phillips sa first quarter palang pero pinagpag lang ito at nagpatuloy sa laro bago pagpahingain na rin ni Cone sa dulong bahagi matapos masiguro ang panalo.

Sunod na kakaharapin ng Gilas sa makalawa ang Franklin Bulls Franklin Pool and Leisure Center.

Parehong miyembro ng New Zealand National Basketball League (NBL) ang Manawatu at Franklin na bahagi ng pinaigiting na training camp ng Gilas para sa krusyal na ikatlong window ng 2027 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Naghahanda ang Gilas para sa New Zealand sa homecourt nito sa Auckland sa Hulyo 3 bago lumipat sa Australia sa Perth sa Hulyo 6.

Tangan ng Gilas ang 2-2 kartada sa Group A at sigurado na susunod na round subalit kailangan pang makarami ng panalo dahil sa carry over format sa 2nd round kontra sa Jordan, Iran at Syria ng Group C.

CARL

GILAS PILIPINAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with