^

PSN Showbiz

Jinkee, obsessed sa apo!

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Jinkee, obsessed sa apo!
Jinkee, Clara at Manny Pacquaio
STAR/ File

Laman ng social media pages ni Jinkee Pacquiao ang apo nila ni Manny Pacquiao na si Clara, only child ng eldest nilang si Jimuel at misis nitong si Carolina Pimentel na ikinasal ka­m­a­kailan.

At ever since na ipanganak ito, hindi nila itinago sa social media ang mukha ‘di tulad sa ibang celebrity na ayaw ilantad sa social media ang mukha ng kanilang baby.

Halos everyday ay may post si Jinkee na kasama ang apo na in all fairness ay happy baby, laging nakatawa sa mga picture. “You are the sunshine that brightens my every day. I love you, my beautiful granddaughter,” aniya sa isa sa mga post niya sa apo.

Sa kasalukuyan ay halos sa Amerika na nakatira ang pamilya Pacquiao.

Padate-date sila at panay ang pasyal habang nagti-training ang Pambansang Kamao sa kanyang sariling gym, Pacquiao Prime Boxing Gym, sa Los Angeles. Nung minsan ay may nag-viral silang outdoor date para sa father’s day.

At si Jinkee ay passionate sa pickleball. Regular din ang posting nito sa paglalaro niya ng pickle ball kasama ang kakambal niyang si Janet.

Nauna nang nabanggit ng isang source na malabo talagang matuloy ang rematch nina Manny at Floyd Mayweather dahil wala naman pala ‘yung contract nung magkaroon ng announcement tungkol dito.

Hindi diumano na-workout ang contract kaya walang magaganap na rematch sa September sa Las Vegas.

Ang dami pa namang naghihintay sa nasabing rematch sana.         

CLARA

JINKEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with