Ball, Green ibibigay sa T-Wolves
CHARLOTTE, North Carolina - Pumayag ang Hornets na ibigay sina point guard LaMelo Ball at Josh Green sa Minnesota Timberwolves.
Kapalit nina Ball at Green si forward Naz Reid, isang 2033 unprotected first-round draft pick, tatlong first-round pick swaps at tatlong future second-round picks.
Ang nasabing tatlong first-round pick swaps ay sa 2028, 2029 at 2030.
Makukuha rin ng Charlotte sa Minnesota ang tatlong second-round picks sa 2029, 2032 at 2033.
Sumalang si Ball sa 72 games sa nakaraang season at nagtala ng mga averages na 20.1 points, 7.1 assists at 4.8 rebounds per game.
Si Ball ay may tatlong tatlong taon pang natitira sa kanyang nilagdaang franchise-record five-year, $203.9 million designated rookie contract.
Maliban sa Timberwolves, nagpahayag din ng interes kay Ball ang Toronto Raptors at Portland Trail Blazers.
Inaasahang makakasama sa trade ang pagdadala ng Timberwolves kay veteran big man Julius Randle sa Brooklyn Nets sangkot din ang Chicago Bulls.
Ito ang magreresullta sa NBA-record trade exception na halos $41 million para sa Hornets.
Sa Hulyo 6 pa maaaring maplantsa ang nasabing mga trades.
- Latest



















