^

PSN Palaro

Ginebra, TNT babandera sa group format ng PBA Govs’ Cup

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bibida ang magkaribal na Barangay Ginebra at TNT Tropang 5G sa dalawang grupo ng mga koponan sa ilalim ng dating format ng darating na PBA Season 50 Go­vernors’ Cup na magsisimula sa Hulyo 10.

Kagagaling lang ng Gin Kings sa matagumpay na pagsibak sa Tropang 5G mula sa kanilang trono sa Commissioner’s Cup Finals matapos ang 88-76 sa Game 7 win at inaasahan ang muling pagtatapat bilang finalists din ng Season 49 Governors’ Cup.

At ngayon ay sila ulit ang tatrangko tampok ang Gi­nebra sa Group A, habang nasa Group B naman ang reigning Governors’ Cup champion TNT.

Sa pangunguna ng resident import at Gilas Pilipinas naturalized player na si Justin Brownlee ay mapapalaban ang Ginebra sa Group A kontra sa Rain or Shine, Meralco at Magnolia pati na ang Phoenix at Blackwater.

Sasabak naman sa Group B ang TNT kontra sa San Miguel, Converge at NLEX pati na sa Titan Ultra at Terrafirma.

Swak din sa Group B ang Macau na ipapakilala ang bagong moniker na Giant Pandas matapos mabigo bi­lang Black Knights sa Commissioner’s Cup.

Dalawang beses maghaharap ang mga koponan kontra sa kanilang mga ka-grupo para makasampa sa Top Four.

Mula rito ay sisiklab ang crossover best-of-three quar­terfinals format sa pagitan ng dalawang group hanggang sa semifinals at finals na parehong best-of-seven series.

Matatandaang ito ang parehong format na pinagwa­gian ng TNT sa likod ni Rondae Hollis-Jefferson kontra kay Brownlee at sa Ginebra noong Season 49, 4-2.

Magtatagal ang Governors’ Cup hanggang sa Dis­yembre kahit pa aarangkada na agad sa Hulyo 10 dahil sa kampanya ng Gilas na suportado ng PBA sa Asian Games at FIBA World Cup Asian Qualifiers.

TNT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with