^

PSN Palaro

PBA nag-adjust ng rules para sa Gilas

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Babaguhin ng PBA ang ilang patakaran nito alang alang sa Gilas Pilipinas players upang tulungan silang lalo pang makasabay sa officiating ng FIBA at iba pang international competitions.

Simula sa paparating na PBA Governors Cup sa susunod na buwan ay wala nang jumpball sa gitna ng court kundi possession arrows na ulit tulad ng tradis­yunal na rules sa PBA.

Ito ang iniimplementang rules ng FIBA na siyang makakatulong sa adjustments ng Philippine national team sa international style at approach, ayon kina PBA Commissioner Willie Marcial at PBA Board Vice Chairman Alfrancis Chua ng Barangay Ginebra.

Si Chua ang nagsisilbing program director at team manager ng Gilas men’s basketball team sa mando ni Ginebra head coach Tim Cone habang si Marcial naman ang assistant manager.

Nauna nang ipinatupad ng PBA noong nakaraang season ang “no floor timeouts” katulad ng FIBA kung saan hindi na pwedeng tumawag ng timeout ang players habang may live play.

Matagal na ring inim­ple­menta ng PBA ang c­oaches’ challenge pati na ang ibang patakaran sa goaltending, basket interferene at official review.

Ngayon bukod sa pagbabalik ng possession arrows ay mas mahigpit na officiating din sa “makapal” at “manipis” na fouls ang aampunin ng PBA lalo’t mas pisikalan ang laro sa FIBA.

Sa kabila nito, pananatilihin ng PBA ang 12 mi­nutes kada quarter pati na ang 6 fouls sa penalty at graduation kagaya ng NBA at iba pang professional basketball leagues.

Tig-10 minuto lang kada quarter at hanggang 5 fouls lang ang graduation at penalty sa FIBA.

Kasalukuyang nasa Brisbane, Australia ang Gilas para sa training camp bilang preparasyon sa krusyal na ikatlong window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

PBA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with